ANG PASKO SA PINAS
BLOG NI: HANNAH MARIE V. CABRERA


Kakaiba kung magdiwang ng pasko ang mga pinoy. Mula sa iba’t-ibang mga pagkain hanggang sa mga masasayang tradisyon. Tunay na walang katulad ang pagdiriwang ng kapaskuhan dito sa Pilipinas dahil tayo ay may mahabang pagdiriwang ng pasko pagsapit palang ng Setyembre ay damang-dama na natin ang kapaskuhan. Ang iba ay Setyembre palang ay may mga parol o mga dekorasyon na sa kani-kanilang tahanan. Nagsisimula ng lumamig ang simoy ng hangin at kahit san ka magpunta pamaskong kanta na rin ang mga pinapatugtog. Dahil sa kakaibang pagdiriwang ng pasko sa ating bansa kahit saan ka man magpunta dala mo ang ugaling ganito.
Kung gusto mo pang malaman ang mga tradisyon at pagkain ng mga pinoy tuwing pasko patuloy mong basahin ang blog na ito.

SIMBANG GABI AT ADVIENTO NG SIMBAHAN
-Nakasanayan na nating mga Pilipino ang pagsisimbang gabi bago ang pasko. Nagsisimula ito sa Disyembre 16 hanggang 24 at tuwing madaling araw ito ginagawa at talagang masusubukan ang iyong tiyaga sa paggising ng napakaaga at making nag misa ngunit ngayon ay may mga misa na ring ginagawa tuwing gabi. Ang sabi ng mga matatanda kapag na kompleto mo ang siyam na araw na simbang gabi ay matutupad ang iyong kahilingan. Ang adviento ng simbahan naman ay ang apat na linggong paghahanda bago magpasok. May isang pabilog na mga dahoon at may nakatirik na apat nakandila, ang isang kandila ay sinisindihan bawat lingo.


MGA PAGKAIN


-Ang iba’t-ibang kakanin ay simbolo rin ng pasko dahil pagtapos ng simbang gabi maraming mga binibintang kakanin ang sasalubong sayo paglabas ng simbahan. Ang mga halimbawa nito ay puto bumbong, bibingka, kutsinta, suman at iba pa. Nariyan na rin ang mga inumin na salabat at tsokolate para sa malamig n aumaga. Hindi lang mga masasarap na kakanin ang meron tuwing pasko ito naman ang mga pagkain na pang noche buena letchon, hamon, queso de bola, pritong manok, mango float, buko salad, letche flan at iba pa.
PAROL AT MGA PALAMUTI
-Hindi mawawala ang mga parol, palamuti at chrismas tree sa ating pagdiriwang ng kapaskuhan isa ito sa mga simobolo ng pasko sa ating bansa. Sa mga paaralan ay tinuturuan ang mga bata kung paano gumawa ng parol. Sa mga malls at iba pang gusali ay nag papalakihan at nagpapabongahan ng mga desinyong pang-pasko. Pati sa ating mga kabahayan o kaya naman sa mga kalsada nagliliwanag dahil sa mga parol at iba pang palamuti na ating inilalagay. Bago pa man sumapit ang pasko naghahanda na ang mga tao ng kani-kanilang mga parol at palamuti.




KANTANG PANG PASKO AT KAROLING
-Setyembre palang ay pinapatugtog na ang mga kantang pangpasko kung saan-saan natin ito maririnig. Ang mga kantang pampasko ay hinding-hindi kumukupas gaya nalang ng mga kanta ng singer na sina Jose Marie Chan o di kaya naman ni Mariah Carey, Setyembre palang ay naririnig na natin ang kanilang mga kanta sa iba’t-ibang gusali o kaya naman sa kalsada. Ang pangagaroling naman ay isa na ding tradisyon sa ating bansa. Lalo na ang mga kabataan gumagawa ng sariling mga instrumento gaya ng mga tansan, bote at iba pa. Minsan din may mga nangangaroling ng may mga tunay na instrumento at may mga pangpasko pa itong kasuotan.
PAMILYA
-Ang pagkikita-kita ng pamilya ay madalas na nangyayari tuwing pasko. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas masaya at makahulugan ang pasko sa pinas dahil ang panahong ito ay na buo at nakukumpleto ang pamilya. Ang mga OFW’s ay umuuwi sa ating bansa upang makapiling ang kanilang mga pamilya. At kahit saan ka man naroon ang pasko ay talangang inaabangan upang makapiling na natin ang ating pamilya na nasa malayo. Konti man o madaming handa masa masaya itong pagsaluhan kung kasama ang pamilya. Ang pagsasalo-salo ng pamilya ay hinding-hindi mawawala sa pasko ng pinas.


KAHIT ANONG TRADISYON O MGA PAGKAIN MAN YAN WAG NATING KALIMUTAN ANG TUNAY NA IPINAGDIRIWANG NG PASKO ITO AY ANG KAARAWAN NG ATING PANGINOONG HESUS.
Email: hannahmvcabrera000@gmail.com